MANILA, Philippines – Arestado ng pulisya ang apat na drug suspect sa mahigit P4.7 milyong halaga ng shabu at marijuana sa magkakahiwalay na operasyon sa Cavite.
Sa ulat ng Police Region 4A (PRO-4A) nitong Linggo, Agosto 27, naaresto ng anti-narcotics operatives si Pangadapon Macatiwas bandang 12:30 ng hapon sa Barangay Paliparan 1, DasmariƱas City.
Itinuturing na high-value target ang suspek, at nakuhanan ng ilang pakete ng shabu na may timbang na 600 gramo at may estimated street value na
P4,000,080.
Ayon naman kay Lieutenant Colonel Socrates Jaca, DasmariƱas police chief, sa hiwalay na report, dalawa pang suspek ang naaresto naman sa Barangay Sampaloc 4 bandang alas-5 ng hapon.
Nakuha naman sa mga ito ang nasa 75 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng tinatayang nasa P510,000.
Sa General Trias City naman, iniulat ng PRO-4A na naaresto rin si Simon Christopher Banton sa Barangay Santiago bandang alas-8 ng gabi.
Narekober naman sa kanya ang P152,000 halaga ng brick-sized dried marijuana leaves.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek. RNT/JGC