Home NATIONWIDE 4 tarantula naharang sa NAIA

4 tarantula naharang sa NAIA

MANILA, Philippines – NAHARANG ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang apat na tarantula na ipapadala sana sa South Korea sa isinagawang operasyon sa Central Mail Exchange Center (CMEC) nitong Lunes, Hunyo 19.

Nabatid sa BOC-NAIA, kinumpiska ang mga nasabing tarantula dahil wala silang naipakitang mga kaukulang dokumento mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) bukod pa dito na “misdeclared” ang parsela makaraang ideklara ito na naglalaman ng snacks at mga tuyo o “salted fish”.

Batay sa pahayag, ang parsela ay ipinadala ng isang sender mula sa Caloocan City sa isang recipient sa Seoul, Korea sa pamamagitan ng Express Mail Service ng Philippine Postal Corporation.

Ngunit ang parsela ay na-tag makaraang makitaan ito ng kahina-hinalang naglalaman ng mga ilegal na kalakal batay sa mga nabuong larawan. Sa isinagawang pisikal na eksaminasyon ay nagresulta sa pagkatuklas ng apat na tarantula.

Ayon sa BOC, ang naturang gawain ay paglabag sa Republic Act 9147 o ang Wildlife Resources Conservation and Protection Act. JR Reyes

Previous article3 pang biktima ng crypto traffickers balik-bansa na
Next articleBangkay ng nursing stude umalingasaw sa damuhan