Bulacan – Arestado ng mga awtoridad ang apat na indibiduwal na nanloob at namgulimbat ng samut-saring kagamitan sa isang kumpanya sa bayan ng San Ildefonso.
Kinilala ang mga suspek na sina Joseph Gutierez, 30, residente ng Brgy. Pinaod, Bernardo Idanio, 55, Francisco Mirabel, 57 at Allan Dizon, 44 kapwa ng Brgy. Pala-pala.
Sa report na nakarating kay Bulacan Police director P/Col. Relly Arnedo, naganap ang insidente bandang 11:45 ng gabi nitong Mayo 27 sa isang kumpanya sa Brgy. Mataas na Parang.
Ayon kay San Ildefonso chief of police P/Lt. Col. Russel Dennis Reburiano, isang tawag mula sa isang concerned citizen ang kanilang natanggap na may isang grupo ang nanloob sa naturang lugar.
Dahil dito, rumesponde ang mga parak sa lugar hanggang sa mahuli sa akto na nangunguha ng mga scrap materials ang mga suspek kaya agad silang inaresto.
Narekober sa mga suspek ang Honda TMX motorcycle na may sidecar (kolong-kolong), 12 pcs cuttings of 12mm round bars na may halagang P600, 10 pcs cuttings of 10mm round bars na halagang P380, Robin mixer engine na halagang P12,000 at electrical wire na may halagang P4,000.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong theft habang nakakulong sa naturang istasyon ng pulisya. (Dick Mirasol III)