Home NATIONWIDE 40 residente sa Batanes, lumikas sa bagyong Betty

40 residente sa Batanes, lumikas sa bagyong Betty

MANILA, Philippines – Mahigit 40 indibidwal sa Batanes ang kinailangang ilikas dahil sa banta ng bagyong Betty.

Sa ulat, mayroong 43 evacuees ang probinsya kung saan 19 ang mula sa bayan ng Ivana, 17 mula sa Basco at pito mula sa Mahatao.

Bagama’t may mga inilikas, tumanggi naman ang iba na gawin ito dahil kumpyansa silang maiingatan ng kanilang tirahang gawa sa bato, o kilala sa tawag na Ivatan hpuse.

Sa huling ulat ng PAGASA ay inaasahang makalalabas na ng Philippine area of responsibility ang bagyong Betty pagsapit ng Biyernes. RNT/JGC

Previous articlePagdeklarang regular non-working holiday sa National Election Day, umarangkada sa Kamara
Next articleMaynilad naglaan ng P10B sa pipe replacements

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here