Home NATIONWIDE 40,000 departures kada-araw naitatala ng BI sa holiday season

40,000 departures kada-araw naitatala ng BI sa holiday season

MANILA, Philippines – IPINAHAYAG ng Bureau of Immigration (BI) na aabot sa 40,000 kada araw ang bilang ng departures hanggang sa Bagong Taon.

Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na ang arrivals ay nananatiling mataas matapos ang Kapaskuhan kung saan nakapagtala ng 57,000 kada araw.

Nakapag-proseso rin ang BI ng halos 30,000 departures kada araw bago ang kapaskuhan kung saan nakapagtala ng kabuuan na 1.48 milyon at total departures na 750,000 sa buwan lamang ng Disyembre.

“We project that the numbers will change after new year, when OFWs and former Filipinos who came home for the holidays go back to their work and residence abroad,” ayon kay Tansingco.

Sinabi pa ng BI Chief na wala namang naitalang major incident o concern noong panahon ng kapaskuhan.

“We hope the smooth operations continue until the new year when most of those who celebrated Christmas here go back home,” dagdag pa ng BI Chief. Jay Reyes

Previous articleBarbra, handa na kay Edu!
Next articleMga empleyado sa Taguig libre na sa pagkuha ng Mayor’s permit