MANILA, Philippines – Inaasahang darating na sa susunod na linggo ang halos 400,000 doses ng bivalet COVID-19 vaccines, sinabi ng Department of Health (DOH).
Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, natapos na ang lahat na kailangang isumite at nangako na ang bansang magbibigay ng bakuna na sa susunod na linggo ay inaasahan na itong matatanggap.
Ang bivalent vaccines ay ang second-generation jabs na target ang Omicron variant.
Advertisement