Home HOME BANNER STORY 400K doses ng bivalent vax darating sa bansa sa susunod na linggo...

400K doses ng bivalent vax darating sa bansa sa susunod na linggo – DOH

MANILA, Philippines – Inaasahang darating na sa susunod na linggo ang halos 400,000 doses ng bivalet COVID-19 vaccines, sinabi ng Department of Health (DOH).

Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, natapos na ang lahat na kailangang isumite at nangako na ang bansang magbibigay ng bakuna na sa susunod na linggo ay inaasahan na itong matatanggap.

Ang bivalent vaccines ay ang second-generation jabs na target ang Omicron variant.

Sinabi rin ni Vergeire na mayroon na ulit pakikipag-usap sa COVAX facility at interesado pa ring matanggap sa kanila ang karagdagang dalawang milyong doses.

Nauna nang sinabi ni Vergeire na ang unang batch ng donasyong bivalent vaccines ay dapat na darating sa katapusn ng Marso.

Samantala, pinabulaanan ni Vergeire ang mga ulat na may mga pagkakantala sa pagdating ng mga bivalent vaccine. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleTeves uuwi na sa bansa – Remulla
Next articlePinsala ng oil spill sa Pola, umabot na sa P300M – mayor

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here