Home NATIONWIDE 42 OFW galing Israel balik-Pinas ngayong Martes

42 OFW galing Israel balik-Pinas ngayong Martes

MANILA, Philippines- Mas maraming overseas Filipino workers (OFWs) ang inaasahang uuwi sa Pilipinas mula Israel, kung saan inaasahang darating sa Manila ngayong Martes ang ika-anim na batch na binubuo ng 42 OFWs, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).

“The DMW expects more returning OFWs as hostilities between Israel’s Defense Forces and Hamas show no signs of toning down in the coming weeks,” pahayag nito.

Dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 nitong Lunes ang grupo ng 23 Pilipino, kabilang ang isang sanggol, na galing Israel, sakay ng Etihad Airways flight EY 424.

Labing-siyam sa umuwing OFWs ay caregivers habang ang tatlo ay hotel workers, base sa DMW.

Kinumpirma rin ng DMW ang pagdating ng mga labi ni Mary Grace Prodigo-Cabrera, isa sa apat na Filipino caregivers na nagtrabaho sa Kibbutz Be’eri at nasawi sa pag-atake ng Hamas noong Oct. 7.

Iniuwi ng kapatid ni Cabrera ang kanyang abo.

Sa pag-uwi sa bansa ng dalawang batch ng mga Pilipino ngayong linggo, mayroon nang kabuuang 184 OFWs ang napauwi galing Israel. RNT/SA

Previous articleBagong halal na kagawad binaril sa loob ng barangay hall, patay!
Next articleLakers kinapos vs Heat