43 na bagong kaso ng COVID-19 sa mga Pinoy sa ibang bansa, naitala

43 na bagong kaso ng COVID-19 sa mga Pinoy sa ibang bansa, naitala

May 22, 2020 @ 6:47 PM 6 days ago

  • 2
  •  
  •  
    2
    Shares
Share

Manila, Philippines – Lagpas 2,500 na ang bilang ng mga Filipinong tinamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa ibang bansa matapos maiulat ng 43 na bagong kaso, ayon sa Department of Foreign Affairs nitong Biyernes.

Sa kabuuang 2,504 na kaso, mayroong limang nakarekober sa America, Asia-Pacific, at Middle East, habang dalawa naman ang bagong nasawi sa Middle East.

“The latest figures represent a global picture of countries in different stages of the COVID story where Europe and the Middle East still have the highest number of COVID-19 positive Filipinos, Asia and the Pacific has the fewest number of cases, while the Americas still has the highest number of fatalities,” paliwanag ng DFA sa pinakahuling report nito.

Hanggang nitong Mayo 22, 1,351 na Filipino pa rin ang sumasailalim sa gamutan, 866 ang mga nakarekober habang 287 naman ang nasawi.

Batay sa DFA tally, mayroong 752 na kaso sa Europa, 713 sa Middle East at Africa , 544 sa America at 452 sa Asia-Pacific. RNT/MM

Share

Leave a Reply

Loading...