Home NATIONWIDE 43% ng mga namatay sa COVID, ‘di bakunado – DOH

43% ng mga namatay sa COVID, ‘di bakunado – DOH

442
0

MANILA, Philippines – Hindi bakunado laban sa COVID-19 ang 43% ng mga indibidwal na iniulat sa ngayon na namatay dahil sa virus, ayon sa Department of Heath (DOH).

Sa datos mula sa DOH, nagpapakita na kabuuang 3,349 COVID-19 deaths ang naitala sa iba’t-ibang health facilities mula Enero 1 hanggang Mayo 14, 2023.

Sa bilang na ito, 1,425 sa mga nasawi o 43% ang hindi nabakunahan laban sa sakit.

Ayon sa DOH, hindi bababa sa 78.4 milyong Filipino ang ganap na ngayong nabakunahan at sa 23.8 milyong indibidwal ang nakatanggap ng unang booster dose.

Muli namang inulit ni Health OIC Maria Rosario Vergeire ang kahalagahan ng pagpapabakuna laban sa COVID-19 at ang pagpapa-booster dahil nagbibigay ito ng karagdagang proteksyon laban sa virus. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleBantag, Zulueta kakasuhan sa pananaksak sa Bilibid
Next article7 sa 10 Pinoy naghahanap ng jowa kapag bumibyahe – Bumble

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here