Home METRO 44 dayuhang sangkot sa illegal POGO dineport ng PH gov’t

44 dayuhang sangkot sa illegal POGO dineport ng PH gov’t

MANILA, Philippines- Nasa 43 Chinese national at isang Vietnamese national ang ipinatapon pabalik sa kanilang bansa makaraang masangkot ang mga ito sa ilegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Pasay City.

Batay sa ulat, ipina-deport ang mga nabanggit na dayuhan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 nitong Huwebes ng umaga.

Nabatid na ito na ang ikalimang batch ng mga dayuhan na ipina-deport kasunod sa kanilang pagkkaa-aresto ng mga tauhan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), the Department of Justice (DOJ), and the Philippine National Police (PNP) noong Oktubre 2023.

Ang unang batch ay kinabibilangan ng 180 Chinese, na sinundan ng 21 Vietnamese, limang Malaysians, at tatlong Vietnamese.

Ang mga deportee ay walang mga umiiral na kaso, habang ang mga nahaharap sa mga kaso ay dapat munang tapusin ang kanilang mga paglilitis.
The fir

“May mga violations silang ginawa and others are violating ‘yung immigration laws natin. Yung iba kasi wala na talagang passports eh, so nakipag-coordinate pa kami sa mga kanya-kanyang embassies for them to provide ‘yung travel authority,” ani PAOCC Undersecretary Gilbert Cruz.

Sinabi pa ni Cruz na gumastos ang gobyerno ng P35 milyon para sa pangangalaga, detensyon, at gastos sa pagpapaalis ng mga deportees. JAY Reyes

Previous articleSuspensyon ng premiums para sa minimum wage earners binubusisi ng PhilHealth
Next articleDepEd pinangalanang ‘most trusted’ gov’t agency – sarbey