Home HOME BANNER STORY 44% ng mga Pinoy kumpiyansang giginhawa ang buhay sa sunod na 12...

44% ng mga Pinoy kumpiyansang giginhawa ang buhay sa sunod na 12 buwan – sarbey

MANILA, Philippines- Halos 44 porsyento ng adult Filipinos ang positibo na giginhawa ang kanilang buhay sa susunod na 12 buwan, ayon sa pinakabagong Social Weather Survey (SWS).

Sa survey na isinagawa mula December 8 hanggang 11, 2023, 44 porsyento ang nagsabing walang magiging pagbabago sa kanilang buhay habang 5 porsyento ang nagsabing lalala ang kanilang buhay sa mga susunod na buwan. Samantala, wala namang tugon ang 7 porsyento.

Ang resulting Net Personal Optimism score ay +39 (optimists minus pessimists), na itinuturing ng SWS na very high.

“The December 2023 Net Personal Optimism score was slightly down from the excellent +42 in September 2023,” ayon sa survey na isinagawa sa pamamagitan ng face-to-face interviews ng 1,200 adults (18-anyos pataas) sa buong bansa na mayroong sampling error margins na ±2.8% para sa national percentages, at ±5.7% para sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, at Mindanao.

“Out of the 151 surveys, the Net Personal Optimism score was negative only 11 times, reaching a historic low of -19 in May 2020 amid the COVID-19 pandemic lockdowns. It has since trended back upwards to pre-pandemic levels,” anang SWS. RNT/SA

Previous article‘Pagsipol’ sa mga kababaihan bawal sa Danao City
Next articleDWSD nagbigay ng ng P70M humanitarian aid sa Mindanao flood victims