Home METRO 45 pamilya inilikas sa pagbaha sa Masbate

45 pamilya inilikas sa pagbaha sa Masbate

MANILA, Philippines – Umabot sa 137 indibidwal o 45 pamilya ang inilikas sa bayan ng Uson, Masbate dahil sa pag-apaw ng ilog dulot ng malalakas at tuloy-tuloy na pag-ulan noong Sabado, Nobyembre 18.

Iniulat ni Uson municipal disaster risk reduction and management office (MDRRMO) na sinimulan nila ang paglilikas sa mga residente mula sa Purok 1 hanggang 7 ng Barangay Magsaysay na nalubog sa hanggang bewang na baha.

Sinabi naman ni Adonis Dilao, hepe ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, na naapektuhan ng pag-apaw ng ilog ang mga nasabing lugar maging ang kalapit-barangay na Buenavista at Mabini.

Sa bayan maman ng Mobo, binaha rin ang mga barangay ng Pinamarbuhan, Tabuc, at Mandali ngunit hindi naman kinailangang ilikas ang mga residente rito.

Iniulat din ng MDRRMO ng Mobo na nagdulot ng pagguho ng lupa ang tuloy-tuloy na pag-ulan sa Barangay Mandali. RNT/JGC

Previous article2 bata, 1 binatilyo nalunod sa Ilocos region
Next articlePagsuporta sa lokal na produkto, magpapalakas sa ekonomiya – solon