Home NATIONWIDE 453 pasado sa food technologist licensure exams

453 pasado sa food technologist licensure exams

MANILA, Philippines- Nakapasa sa August 2023 licensure examination para sa food technologists ang nasa kabuuang 453 mula sa 1,133 na kumuha ng pagsusulit, sinabi ng Professional Regulation Commission (PRC).

Nanguna sa nakakuha ng mataas na marka para sa food technologists board exam na may 87.25 porsyento si Dominic Castro Panaligan mula University of the Philippines Diliman (UPD) noong Aug. 10 at 11.

Pumangalawa sina Cristina Romabiles Ilano mula sa UP-Los Baños at Jose Gabriel Lugue Luna mula sa UPD na may 86.75 porsyento bawat isa.

Pangatlo sina Portia Aliwanag Crisostomo mula sa UP-Los Baños at Ingrid Panaligan Puentespina mula sa UPD. Pareho silang may average na marka na 86.50 porsyento.

Ang pagsusuri ay pinangasiwaan ng Board of Food Technology na pinamumunuan ng chairman nitong si Anthony C. Sales, at ng miyembrong si Remedios V. Baclig.

Sinabi ng PRC na ang mga pumasa ay maaaring magparehistro online para sa kanilang Professional Identification Card at Certificate of Registration sa Setyembre 25 hanggang 29.

Maaaring tingnan ng mga pumasa ang mga tagubilin para sa pagpaparehistro sa prc.gov.ph.

Bukod dito, ang mga kinakailangan para sa pagpaparehistro ay kinabibilangan ng na-download na duly accomplished oath form o “Panunumpa ng Propesyonal,” notice of admission, dalawang piraso ng passport-sized na mga larawan (kulay na may puting background at kumpletong name tag), dalawang set ng documentary stamps, at isang maikling brown envelop.

Sinabi ng PRC na ang petsa at venue ng certified food technologist inductees’ oathtaking ay iaanunsyo sa lalong madaling panahon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articlePondo para sa 4Ps tumaas sa P112.8B sa 2024 NEP
Next articleUS Embassy sinita ng DFA sa paglapag ng military plane sa NAIA