Home NATIONWIDE 459th Fiesta Señor 2024, handa na!

459th Fiesta Señor 2024, handa na!

MANILA, Philippines – Sinabi ng Augustinian friars ng Basilica Minore del Sto. Niño sa Cebu nitong Sabado, Disyembre 30 na “all systems go” na sila para sa selebrasyon ng ika-459 Fiesta Senor 2024.

Sa abiso, sinabi ng Basilica na ang nine-day novena ay idaraos bilang pagkilala kay Sr. Sto. Nino. Ito ay magsisimula sa isang penitential “walk with Jesus” alas-4 ng madaling araw ng Enero 11 at susundan ng misa.

Ang novena ay magtatapos sa Enero 19 sa “walk with Mary” ng alas-4 ng madaling araw at susundan ng Misa de Traslacion alas-5 ng umaga sa Basilica.

Sa Traslacion, dadalhin ang sagradong imahe ng Holy Child Jesus sa Mandaue City, na gaganapin alas-6:45 ng umaga ng kaparehong araw, at magsisimula naman ng tanghali ang isa pang Traslacion sa Lapu-Lapu City ng Enero 20.

Sa kaparehong araw, gaganapin din ng ala-1 ng hapon ang traditional solemn foot procession matapos ang reenactment ng unang Misa, baptism, at kasal, na nagpapakita ng mga sakramento ng Katoliko na nangyari 502 taon na ang nakalilipas.

Muling sinabi ng Augustinian friars na nagkaroon ng mga pagbabago sa procession routes na napagkasunduan sa serye ng mga pagpupulong sa stakeholders.

Ito ay matapos na magkaroon ng mas maikling ruta ang penitential walk with Jesus mula Fuente Osmeña, Osmeña Blvd., at pabalik ng Basilica, habang ang penitential walk with Mary ay daraan sa V. Rama-B. Rodriguez corridor sa halip na traditional walk mula Guadalupe Church via Capitol Site dahil sa nagpapatuloy na konstruksyon ng Cebu Bus Rapid Transit (CBRT) terminals.

“The decision to change the processions for the 459th Fiesta Señor announced last November 15, 2023, was a collective decision of all concerned agencies both from Basilica del Sto. Niño and of the Cebu City Government,” saad sa abiso.

“Moreover, for safety purposes, we urge all devotees of Señor Santo Niño de Cebu who will join the processions to be always mindful of the yellow separator of CBRT development in Osmeña Blvd. In coordination with the Cebu City government headed by Mayor Michael Rama, we will take necessary measures for the safety of the devotees during the processions,” dagdag pa. RNT/JGC

Previous articleOnline annual reporting option sa mga dayuhan, pwede na sa 2024 – BI
Next article2 menor de edad, binaril ng 17-anyos na binatilyo sa Cebu