Home HOME BANNER STORY 47 sugatan sa gumuhong simbahan sa Bulacan sa Ash Wednesday

47 sugatan sa gumuhong simbahan sa Bulacan sa Ash Wednesday

Bulacan – Sugatan ang nasa 47 indibiduwal matapos aksidenteng gumuho ang mataas na bahagi ng balkonahe ng simbahan sa lungsod San Jose Del Monte (SJDM).

Sa report kay Bulacan Police director PCOL. Relly Arnedo, nangyari ang insidente bandang 7:30 ng umaga nitong Pebrero 14 sa Saint Peter Parish Church, Brgy. Tungkong Mangga.

Ayon sa report, aksidenteng bumagsak ang kanang bahagi ng balkonahe ng naturang simbahan na tumama sa 40 deboto sa kasagsagan ng pagpapahid ng abo ngayong “Ash Wednesday”

Dahil dito, agad rumesponde ang SJDM police, Bureau of Fire Protection, City Engineering Office, CTM SCOG, CHO at CDRRMO.

Nalamang agad na dinala ang mga sugatang deboto sa magkakahiwalay na ospital para sa  paunang lunas.

Sinasabing agad tumungo si SJDM Mayor Arthur Robes sa lugar para alamin ang sitwasyon,tulungan at kalaunay ipinagamot ang mga biktima. (Dick Mirasol III)

Previous articlePinas, nag-donate ng P5.5-M para sa post-Cyclone Mocha recovery ng Myanmar
Next articleMga deboto maagang dumalo sa Ash Wednesday Mass