
MANILA, Philippines – Niyanig ng mababaw na lindol na may lakas na 4.8 magnitude ang lalawigan ng Romblon, na nagdulot ng pinsala sa mga gusali ng paaralan at nagpangyari ng sunod-sunod na mga aftershock.
Ang tectonic na lindol ay tumama sa 14 kilometro timog-kanluran ng bayan ng Odiongan, kung saan naitala ang isang Intensity 5 na pagyanig, ayon sa ikalawang ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Naramdaman naman ang sumusunod na lakas ng pagyanig sa:
Intensity II – Malay, Aklan; Pandan, Antique
Intensity I – Ibajay at Malinao, Aklan
Ang lindol na may ganitong lakas ay maaaring magdulot ng malakas na pagyanig sa mga nakasabit na bagay, at malakas na pag-uugong ng buong gusali, ayon sa Phivolcs.
Nakita rin ang mga crack sa isang tulay sa Barangay Hinag-oman, Ferrol matapos ang lindol.
Samantala, pansamantala ring itinigil ang operasyon ng Odiongan Commercial Center matapos ang lindol at mga aftershock. RNT