Home NATIONWIDE 47K biyahero sa mga pantalan naitala ngayong Easter Sunday

47K biyahero sa mga pantalan naitala ngayong Easter Sunday

MANILA, Philippines – Mahigit 47,000 inbound at outbound passengers ang naitala sa mga pantalan sa buong bansa nitong Sabado ng umaga, Marso 31.

Sa morning advisory, sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) na mahigit 25,000 pasahero ang bumyahe outbound, at 22,644 ang inbound.

Nasa ilalim pa rin ng heightened alert ang mga districts at stations ng PCG, at nagpakalat ng mahigit 3,000 frontline personnel.

Ayon sa PCG, nainspeksyon ng kanilang mga tauhan ang 210 barko at 191 motor bancas.

Kamakailan ay inanunsyo ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan na naka-heightened alert pa rin ang kanilang operating units hanggang Abril 3. RNT/JGC

Previous articleBinata itinumba sa Maynila
Next articlePope Francis nanguna sa Easter Vigil sa kabila ng health concerns