Home NATIONWIDE 48 patay sa landslide sa India sa matinding ulan

48 patay sa landslide sa India sa matinding ulan

INDIA – Umabot na sa 48 katao ang nasawi sa landslide dahil sa malalakas na pag-ulan sa Himalayan region ng India.

Nagsimula ang matitinding buhos ng ulan noong weekend sa bulubundukin ng Himachal Pradesh state na nagpabaha sa mga kalsada at sumira sa mga tirahan.

Pinakamatinding naapektuhan dito ay ang Mandi district sa Pradesh, kung saan 19 katawan ang narekober ng mga rescuer.

Sa capital city na Shimla, nasa 14 katao naman ang nasawi dahil sa naitalang dalawang landslide habang siyam naman ang nasawi sa cloudburst, o biglaang malakas na pag-ulan sa Solan district noong Linggo.

Nagpapatuloy naman ang mga rescuers upang malaman kung mayroon pang mga na-trap sa mga debris.

Noong nakaraang buwan, kumitil ng buhay ng mahigit 100 katao ang monsoon showers sa hilagang India, kabilang ang Himachal Pradesh na pinakanapuruhan. RNT/JGC

Previous articleJay Sonza inaresto sa alleged illegal recruitment
Next articleOil exploration sa Reed Bank, simulan na! – Carpio