Home METRO 48 PDLs sa Bilibid inilipat sa Leyte

48 PDLs sa Bilibid inilipat sa Leyte

MANILA, Philippines – Inilipat na sa Leyte Regional Prison sa Abuyog, Leyte ang 48 persons deprived of liberty (PDLs) mula sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Sinabi ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr., 23 sa nasabing bilang ay mula sa maximum security at ang natitira ay galing sa medium security.

Ang paglilipat aniya ng mga inmate ng NBP sa ibang pasilidad ay bahagi ng programang pagpapaluwag sa pambansang piitan at paghahanda na rin sa planong pagsasara ng NBP sa 2028.

“The continuing transfer of PDLs from NBP to other operating prison and penal farm outside of Metro Manila is part of our efforts to decongest the NBP and our preparation for the closure of the National penitentiary by 2028,”ayon kay Catapang.

Kaugnay nito, pinasalamatan ni Catapang ang Philippine National Police at Philippine Coast Guard sa suportang ibinibigay sa pagbibiyahe ng mga PDL.

Ang paglilipat ng PDLs ay isinagawa ng mga kagawad ng NBP Custodial Force at ng BuCor SWAT. Teresa Tavares

Previous articleTransport group muling nagpahayag ng suporta sa PUV modernization
Next articleSuporta ni Sen. Imee sa Dutertes pinasalamatan ni VP Sara