Home OPINION LOKOHAN SA AFGHAN REFUGEES

LOKOHAN SA AFGHAN REFUGEES

HINDI magandang tingnan na matapos guluhin ng ibang mga bansa ang isang bansa, Pilipinas ang sasalo sa kanilang mga pananagutan sa ginulo nilang bansa.

Ang bansang Afghanistan ang tinutukoy nating ginulo ng iba, mga brad.

Sa bansang ito, nilayasan ng United States at mga kaalyado nito ang mga mamamayang Afghan na kakampi nila nang matalo na sila ng mga Taliban sa digmaan.

Ngayon naman, ang mga Afghan na ito ay gusto ng US na dalhin sa Pilipinas para sa pag-aayos umano ng mga papeles bago madala ang mga ito sa US.

Ang isipin ninyo, mga brad, bakit idaan pa sa Pinas ang pag-aayos ng papeles ng mga ito?

Tingnan ninyo, ha!

Nasa 31 bansa ang lumahok sa digmaan sa Afghanistan gaya ng United States, United Kingdom, Canada, Germany, Australia, Italy, France, Poland, Denmark, Spain, Georgia, Romania, Netherlands, Turkey, Czech Republic, Sweden, Latvia, Slovakia, Norway, Estonia, Hungary, Finland, Jordan, Portugal, South Korea, Belgium, Bulgaria, Croatia, Lithuania, Montenegro at New Zealand.

Ngayong nagkaloko-loko ang buhay ng mga Afghan, bakit wala sa mga bansang nakipaggiyera ang piniling processing center at sa Pilipinas pa gagawin ito?

Nagkagulatan pa nga sa Senado makarang ilantad ito ni Senador Imee Marcos.

At si Sen. Imee ngayon ang pangunahing kumukwestyon dito na kinakampihan naman ng nakararami sa Department of Foreign Affairs.

Ang ambassador natin sa US ang naglalakad na aprubahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang refugee processing center na maglalaman ng libo-libong Afghan nang panandalian ngunit babalikatin ng US lahat ng gastos.

Sinong may sabi na panandalian lang sila at sino rin ang nakatitiyak na babalikatin lahat ng US ang gastos?

Sabi pa ng ambassador, humanitarian cause raw ito gaya ng ginawa natin sa mga refugee na Hudyo at Vietnamese.

Pero bakit Pilipinas ang gagawing refugee center at wala ni isa sa 32 bansang dahilan ng pagkamatay ng 70,000 sibilyang Afghan at 66,000 Taliban?

Hindi kaya tayo pinagloloko ng mga Kano?

Previous articleMAYON, BEAUTIFUL BUT DANGEROUS
Next articleNorthern, Central Luzon uulanin sa Habagat