Home METRO 5.1M pasahero inaasahang dadagsa sa mga pantalan

5.1M pasahero inaasahang dadagsa sa mga pantalan

MANILA, Philippines – Aabot sa kabuuang 5.1 milyong katao ang inaasahang dadagsa sa mga daungan sa buong bansa ngayong Holiday season kumpara sa 4.7 milyong pasahero ba naitala noong nakaraang taon ayon sa Philippine Ports Authority (PPA).

Patuloy ang pagdating ng pasahero sa Batangas Port kung saan mahigit 16,000 pasahero ang naitala sa Batangas Port nitong Sabado.

Agad namang umaalis ang mga barko kapag ito ay puno na.

Samantala, sa Port of Luceba sa Quezon, nasa mahigit 2,000 pasahero patungong Romblon at Marinduque na ang naserbisyuhan.

Nagtalaga naman ng tauhan ang Philippine Coast Guard (PCG) sa loob at labas ng pantalan at hiniling sa mga ship operators na iwasan ang overloading. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleLabi ng OFW na napatay sa Israel-Hamas war naiuwi na ng Pinas
Next article4 paslit nabiktima ng paputok – DOH