Home NATIONWIDE 5.2K BSKE candidates sinilbihan ng show cause order ng Comelec

5.2K BSKE candidates sinilbihan ng show cause order ng Comelec

MANILA, Philippines – Sinabi ni Commission on Elections (Comelec) chairperson George Garcia na naisyuhan na ng show cause orders laban sa 5,200 kandidato para sa 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Sa bilang na ito, 1,000 aniya ang sumagot at base sa inisyal na assessment, mga 300 ang hinog na hinog para sa diskwalipikasyon.

Noong Oktubre 6, nakapaghain na ang Comelec Task Force Anti-Epal ng 82 petition para sa disqualification.

Naisampa na rin ang mga kaso laban sa 10 kandidato para sa umano’y pagbili ng boto.

Sinabi ni Garcia na ang mga desisyon sa mga kaso ng disqualification ay ilalabas bago ang BSKE sa Oktubre 30.

Paliwanag ni Garcia, ang mga inihaing mga kaso laban sa mga maling kandidato ay magpapatuloy sa kabila ng pagsagot o hindi ng mga akusado sa mga show cause order.

“Gusto nating ipakita sa lahat—hindi po ito ningas kugon, hindi pakitang tao lamang. Talaga pong seseryosohin natin ang pagpa-file at pagpapa-disqualify sa mga kandidatong lumalabag sa mga patakaran,” sabi ni Garcia. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleNavotas Greenzone pinasinayaan!
Next articleRemulla inalmahan sa banta vs Banateros Brothers