Home METRO 5 biktima ng human trafficking sakay ng RoRo, nasagip sa Batangas Port

5 biktima ng human trafficking sakay ng RoRo, nasagip sa Batangas Port

MANILA, Philippines – Arestado ang dalawang indibidwal habang nasagip naman ang limang biktima ng human trafficking sakay ng RoRo/passenger vessel sa Batangas port, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Umalis umano ang nasabing mga indibidwal mula Culasi Port, Roxas City patungong Batangas Port via Tablas Pory sa Odiongan, Romblon.

Nang matanggap ng PCG ang impormasyon, agad nakipag-ugnayan sa kanilang duty sea marshals na sakay din ng nasabing barko.

Nakipag-usap din ang PCG sa kapitan ng barko upang ma-monitor ang kanilang lokasyon.

Matapos maaresto ang mga suspek, ang mga biktima ng human trafficking ay itinurn-over sa Philippine National Police (PNP) Women and Children Protection Desk sa Batangas City at Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa pagsasampa ng kaso, counseling, at stress debriefing. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleBebot sugatan sa riding-in-tandem
Next article54% ng mga Pinoy pabor sa pagpapalawak ng PH-US military ties sa WPS issue – OCTA