Home METRO 5 crew sugatan sa nasunog na bangka sa Zamboanga City

5 crew sugatan sa nasunog na bangka sa Zamboanga City

200
0

MANILA, Philippines – Limang crew ang sugatan nang masunog ang isang motorbanca sa karagatan sakop ng Barangay Rio Hondo, Zamboanga City.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), District Southern Mindanao, ang motorbanca na Lady Radia ay umalis ng Barangay Rio Hondo, Zamboanga City patungong Baluk-Baluk Island, Basilan sakay ang ibat-ibang essential goods.

Ayon sa isang crew, nagkaroon ng short circuit sa motorbanca habang naglalayag na naging dahilan ng sunog.

Agad tumugon ang PCG at Bureau of Fire Protection (BFP) at magsagawa ng firefighting at search and rescue (SAR) operations.

Nagtamo ng third-degree burns at second-degree burns ang mga crew na kapwa dinala sa Zamboanga City Medical Center.

Dalawang crew members pa ang nasagip at nasa maayos ng kalagayan ayon sa PCG.

Ang Marine Environmental Protection Force-Southwestern Mindanao at Coast Guard Sub-Station Rio Hondo ay nag-inspeksyon sa katubigan para sa posibleng bakas ng oil spill ngunit negatibo ang resulta. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articlePangamba ng malawakang bentahan ng agrarian reform lands, pinawi ni PBBM
Next articleImportasyon ng dagdag na 150K MT ng asukal inaprubahan ng SRA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here