Home NATIONWIDE 5 daungan tinututukan sa bugso ng mga pasahero sa holiday season

5 daungan tinututukan sa bugso ng mga pasahero sa holiday season

MANILA, Philippines – Tinututukan ng Philippine Ports Authority (PPA) ang limang daungan na inaasahang dadagsain ng mga pasahero ngayong Holiday Season.

Bukod sa inilatag na security measures ay dinoble rin ito upang matiyak na maging maayos ang daloy ng biyahe ng mga pasahero.

Posible namang abutin ng 5 milyon ang dadagsang pasahero sa mga pantalan, ayon pa rin sa PPA.

Kabilang sa mga pantalan na tinututukan ng PPA ang Batangas Port, Matnog Port sa Sorsogon, Panay/Guimaras Port, Calapan Port sa Oriental Mindoro, Davao Port patungong Samal Island at Bacolod Port sa Negros Occidental.

Dahil sa pagdagsa ng mga pasahero, ipinagamit na ng Batangas Port ang bagong terminal nito kung saan kayang i-accommodate ang walong libong byahero. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articlePCG nagsagawa ng medical evacuation sa bulk carrier sa Samar
Next articleJobless Pinoys bumaba sa 7.9M