Home HOME BANNER STORY 5 DI-Maute members patay sa bakbakan sa Lanao

5 DI-Maute members patay sa bakbakan sa Lanao

MANILA, Philippines – Patay ang limang miyembro ng Dawlah Islamiah Maute Group sa dalawang magkahiwalay na engkwentro sa mga sundalo sa Lanao del Norte nitong Lunes, Abril 29.

Ayon sa Philippine Army, namatay ang tatlong hindi pa tukoy na extremist fighters sa combat operation ng 1st Infantry Division 103rd Brigade sa Barangay Cadayonan, Munai, alas-3 ng madaling araw.

Ang bakbakan sa pagitan ng 12 heavily-armed terrorists ay tumagal ng 45 minuto.

Nagresulta rin sa pagkasawi ng dalawang hindi pa kilalang suspek ang hot pursuit operation ng Joint Quick Reaction Force ng 3rd Scout Ranger Battalion sa Barangay Maganding alas-6 ng umaga.

Tatlong sundalo ang sugatan sa engkwentro.

Samantala, nakumpiska naman ng mga sundalo ang M16 at M14 rifles at iba pang mga war materials.

“We will get them soon again. I’ve been telling them to already surrender, lay down their firearms. And if they don’t, they will also the same fate. The government is clear that we don’t want terrorist radicals in our country,” babala ni Philippine Army Commanding General Lt. Gen. Roy Galido sa media briefing. RNT/JGC