Home METRO 5 durugista timbog sa P102K ‘shabu’ sa sinalakay na drug den sa...

5 durugista timbog sa P102K ‘shabu’ sa sinalakay na drug den sa Bulacan

Bulacan- Arestado ang limang indibidwal na umano’y nahulihan ng P102,000 halaga ng iligal na droga matapos salakayin ang drug den sa buy-bust operation ng mga awtoridad sa lungsod ng San Jose Del Monte.

Kinilala ang mga suspek na sina Ruben Porcianos, 48, Joselito Gonzales, 47, Jufrey Cadenas, 42, Levy Corpuz, 33 at King Justine Dela Cruz, 43 kapwa residente ng Minuyan Proper.

Sa report, ikinasa ang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng PDEA Bulacan, PDEA Aurora, PDEA Regional Special Enforcement Team 2 at Bulacan PNP counterparts nitong Linggo, Agosto 20 sa Brgy. Minuyan.

Narekober ng mga awtoridad ang pitong sachets ng shabu na tumimbang ng 15 grams, may halagang P102,000, assorted drug paraphernalia at marked money mula sa undercover agent.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek habang nakakulong sa PDEA Jail Facility. Dick Mirasol III

Previous articleLalaking umatake sa pamilyang Pinoy sa LA, makukulong ng 848 araw
Next articlePUV operators, drivers lusot muna sa bagong toll rate sa CAVITEX