Home NATIONWIDE 5 foreign nationals inaresto ng PCG sa illegal na pagpasok sa bansa

5 foreign nationals inaresto ng PCG sa illegal na pagpasok sa bansa

MANILA, Philippines – Apat na Indian nationals at isang Malaysian ang inaresto ng Philippine Coast Guard-Southwestern Mindanao dahil sa illegal na pagpasok sa bansa ng walang tamang immigration clearance sa Zamboanga City.

Nadiskubre ng PCG kasama ng PNP-Maritime Group (PNP-MG) at Bureau of Immigration (BI), na pumasok sa “back door” ang limang foreign nationals mula Malaysia patungong Bongao, Tawi-Tawi, gamit ang speed boat saka lumipat sa commercial passenger-cargo vessel na MV Trisha Kerstin 2, patungong Zamboanga City.

Sa beripikasyon mula sa BI Intelligence Unit, ang apat na Indian nationals ay kabilang sa “watchlist of blacklisted nationals” noong 2004, 2016, at 2024.

Sinabi ng CGDSWM na kakasuhan sila ng paglabag sa Commonwealth Act No. 613 o The Philippine Immigration Act, partikular sa Section 37 E.

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng BI para sa tamang disposisyon at kaukulang kaso ang mga naarestong dayuhan.

Sinabi ng CGDSWM na nananatili itong matatag sa pagtataguyod ng batas, gayundin sa pagpapanatili ng kaligtasan at seguridad sa paglilingkod sa bansang Pilipino. Jocelyn Tabangcura-Domenden