Home METRO 5 kasama 3 menor-de-edad arestado sa Taguig follow-up ops

5 kasama 3 menor-de-edad arestado sa Taguig follow-up ops

MANILA, Philippines- Limang indibidwal, kabilang ang tatlong menor-de-edad, ang inaresto sa isang follow-up operation makaraang sapilitang kunin ang motorsiklo ng isang pool attendant at ng kanyang angkas na buntis na asawa nitong nakaraang Linggo (Pebrero 4).

Sa report ng Taguig City police sa Southern Police District (SPD) ay kinilala ang mga naarestong suspek sa alyas mga lamang na Dan, 23, at Gelo, 20; at ang tatlong menor-de-edad na pawang mga children in conflict with the law (CICL).

Ayon sa SPD, nangyari ang pagdakip sa mga suspek ng pinagsanib na pwersa ng Substations 4 at 10, Special Weapons and Tactics (SWAT), at Tactical Motorcycle Riding Unit (TMRU) sa C6 Road Lakeshore, Barangay Lower Bicutan, Taguig City.

Base sa ulat na natanggap ng SPD, tinawagan ni alyas Dan ang kanyang kapatid na babae makaraang sapilitang kunin sa kanila ng mga armadong suepek ang kanyang minamanehong motorsiklo.

Nang makuha ng kapatid ng biktima ang impormasyon ay agad naman itong tumawag sa Substation 4 ng Barangay Bambang kung kaya’t nagkasa ng follow-up operation ang mga nabanggit na ahensya ng kapulisan at sa pamamagitan ng paggamit ng CCTV footage ay natunton ang mga suspek sa Wesly Poultry Supply, Barangay Bambang kung saan sila pansamantalang nagtago na nagresulta rin ng kanilang pagkakaaresto at pagkarekober ng kanilang tinangay na motorsiklo ng biktima.

Sa isinagawang operasyon ay nakumpiska ng mga operatiba sa posesyon ng mga suspek ang isang .9mm Glock 17 Gen 4 na may buradong serial number, isang .9mm Glock 26 Gen 5 na may serial number AEFRO83, isang granada, isang Glock magazine na may 30 bala, dalawang Glock magazines na may tig-10 bala, isang itim na belt bag, 10 pirasong .9mm bala, at 12 piraso ng .9mm na bala.

Sinabi ni SPD director P/Brig. Gen. Mark Pespes, ang mga narekober na baril at bala na gagamitin bilang ebidensya laban sa mga suspek ay nagpapatunay lamang na sangkot ang mga ito sa mga ilegal na aktibidad.

Nahaharap ang mga suspek sa paglabag sa patong-patong na kaso ng Republic Act 10883 (The New Anti-Carnapping Law), Republic Act 10591 (illegal possession of firearms and ammunition), at Republic Act 9516 (illegal possession of explosives).

Pinuri naman ni Pespes Taguig City police sa pagdakip sa mga suspek at sinabing, “The recovery of stolen property and the confiscation of crucial evidence are significant milestones in our commitment to ensure the security of our community. We will continue to work tirelessly to bring justice to the victims and hold those responsible accountable for their actions.” James I. Catapusan

Previous articleTiyuhin patay sa pamangkin sa paghanga kay Gretchen Barretto!
Next articleHybrid rice tututukan ng DA vs epekto ng El Niño