Home METRO 5 kelot dinakma sa Makati buy-bust ops

5 kelot dinakma sa Makati buy-bust ops

MANILA, Philippines- Limang drug suspects ang inaresto sa ikinasang buy-bust operation ng Makati City Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) Huwebes ng gabi, Hunyo 27.

Kinilala ng Makati City police ang limang nadakip na suspek na sina alyas Michael, 35, ang target sa ikinasang buy-bust ops; alyas Rod, 49; alyas John, 33; alyas Oneng, 33; at isang alyas Sam, 38.

Base sa report na natanggap ng Southern Police District (SPD), naganap ang pagdakip sa mga suspect ng mga tauhan ng SDEU dakong alas-6:34 ng gabi sa Barangay Tejeros, Makati City.

Sa isinagawang operasyon ay nakarekober ang mga operatiba ng 17 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱115,600, isang Oppo cellphone, isang coin purse, at ang buy-bust money na nagkakahalaga ng ₱500.

Ang mga nakumpsikang ebidensya ay dinala sa SPD Forensic Unit para sa qualitative at quantitative analysis habang nakapiit sa custodial facility ng Makati City police ang mga inarestong suspects na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) sa Makati City Prosecutor’ Office. James I. Catapusan