Home METRO 5 klasrum nilamon ng apoy!

5 klasrum nilamon ng apoy!

PAGADIAN CITY, Zamboanga del Sur- Sa pagtataya ng mga awtoridad, halos P3.7 milyong imprastraktura ang napinsala ng sunog sa isang paaralan sa bayan ng Molave, sa Zamboanga del Sur nitong Miyerkules.

Sinabi ni Fire Senior Inspector Robert Soyum, pinuno ng Molave station ng Bureau of Fire Protection (BFP), na sa kasalukuyan ay natukoy nila ang pinakamalaking pinsala sa limang silid-aralan ng Parasan National High School na nilamon ng apoy.

Batay sa BFP investigation, sumiklab ang apoy dakong ala-1:42 ng madaling araw nitong February 28 at tuluyang naapula ng alas-3:15 ng madaling araw.

Hindi pa natutukoy ng BFP ang mga pasilidad at kagamitang nawasak sa insidente.

Hanggang nitong Huwebes, nagsasagawa pa ang mga awtoridad ng masusing imbestigasyon upang matukoy ang mitsa ng apoy. RNT/SA

Previous articlePagbawas sa Angat water allocation pinaghahandaan na ng Manila Water, Maynilad
Next articleKapasidad na resolbahin financial cybercrimes tiniyak ng PH gov’t