Home NATIONWIDE 5 local drug manufacturers bukas sa paggawa ng anti-TB medicine – PSAC

5 local drug manufacturers bukas sa paggawa ng anti-TB medicine – PSAC

MANILA, Philippines- Limang local drug manufacturers ang lumagda para magpartisipa sa paggawa ng gamot na anti-tuberculosis.

Tugon ito sa naging panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa local manufacture ng anti-TB at human immunodeficiency virus (HIV) drugs upang labanan ang kinatatakutang mga sakit.

“We are very proud of the collaboration with DOH (Department of Health), [the] focus on TB and HIV, which are two of our more dreaded diseases and increasing in terms of numbers of cases,” ayon kay Paolo Borromeo ng PSAC- Healthcare Sector Group at President at Chief Executive Officer ng Ayala Healthcare Holdings, Inc. sa 5th PSAC Health Sector Group meeting sa Palasyo ng Malakanyang kasama si Pangulong Marcos.

“We are happy to say that five local drug manufacturers signed up to participate in the production of anti-TB medicines, and to participate in national bids to be conducted by the DOH. In fact, I believe there was a bid last November and we are waiting for the results,” patuloy niya.

Inamin nito na maraming local manufacturers ang ayaw na makisali sa produksyon ng anti-TB medicines subalit dahil sa direktiba na ikinasa at reporma na inilatag ng Pangulo ay may limang local manufacturers ang nangakong gagawa ng anti-TB medicines, at sumali sa procurement bids.

“Similar initiatives will be done for HIV because those are the two administration priorities,” ayon kay Borromeo.

Sa kabilang dako, ang iba pang miyembro ng PSAC-Health Sector na dumalo sa pulong ay sina Sabin Aboitiz, PSAC Strategic Convenor at President at CEO of Aboitiz Equity Ventures; Fr. Nicanor Austriaco Jr., Professor, University of Santo Tomas; Mario Silos, presidente ng Association of HMOs sa Pilipinas, Clinton Campos-Hess, presidente at CEO ng United Laboratories at Dr. Harish Pillai, presidente at CEO ng Metro Pacific Hospital Holdings Inc.

Ikinagalak naman ni Borromeo ang nakuhang suporta mula sa Food and Drugs Administration (FDA) kasunod ng request nito para sa green lane program lalo na para sa anti-TB at HIV medicines.

Sinabi pa rin ng PSAC na mayroong 24 manufacturers ang nagpahayag ng kahandaang gumawa ng anti-TB drugs subalit isa lamang ang para sa HIV medicines.

Samantala, sa isang kalatas, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil na ikinatuwa ng PSAC-HSG Borromeo ang suporta ng FDA para sa nabanggit na program para sa anti-TB at HIV medicines.

“PSAC made a commitment to assist local drug manufacturers that will produce first-line anti-TB/HIV drugs in the country, as well as help facilitate the continued implementation of the green lane program. It will also ensure the consistent implementation of domestic bidder preference,” wika ni Garafil.

Nauna rito, inatasan ng Punong Ehekutibo ang DOH at FDA na makipagtulungan sa pribadong sektor sa pagtukoy ng mga gamot na pwedeng gawin sa lokal upang maibaba ang presyo at masigurong mayroong sapat na supply ang bansa. Kris Jose

Previous articleKamara aasistihan ng DA sa pagpapalakas ng Anti-Agricultural Smuggling Act
Next articleCoverage rates ng ilang benefit packages ng PhilHealth dinagdagan ng 30%