Home NATIONWIDE 5-man committee sa PNP resignations magpupulong sa sunod na linggo – Magalong

5-man committee sa PNP resignations magpupulong sa sunod na linggo – Magalong

78
0

MANILA, Philippines- Bubusisiin ng five-man committee ang courtesy resignations ng senior officials ng Philippine National Police (PNP), ayon sa isa sa mga miyembro nito na si Baguio City Mayor Benjamin Magalong, nitong Huwebes.

Tinanong si Magalong kung sisimulan ng five-man committee ang screening sa PNP high-ranking officials.

“Siguro next week kami magco-convene,” aniya.

Bukod kay Magalong, pinangalanan din ni Interior Secretary Benhur Abalos nitong Miyerkules sina PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr., Office of the Presidential Adviser on Military Affairs’ Undersecretary Isagani Neres, at dating Defense chief Gilbert Teodoro Jr. bilang committee members.

Ayaw pang magpakilala ng huling miyembro ng five-man committee, base kay Abalos.

Nitong January 4, umapela si Abalos sa senior PNP officials na magsumite ng kanilang courtesy resignations bilang bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na alisin sa pwersa ang mga pulis na sangkot sa illegal drug trade.

Sinabi ni Abalos na ito ang “only way to make a fresh start” sa PNP, at inihayag ang pagkabahala sa pagkakasangkot ng ilang high ranking police officers sa illegal drug trade.

Sa 955 generals at full colonels, 12 ang hindi nagsumite ng courtesy resignations. Ayon kay Abalos,  isang senior officer ang hindi sumunod “technically” dahil 11 ang retirado na o magreretiro. RNT/SA

Previous articleSakaling malugi, P75B pondo ng LBP, DBP na inilagak sa Maharlika funds, aakuin ng taxpayer
Next articleKotse tinadtad ng bala, 3 sakay todas!