Home METRO 5 pang suspek dawit sa Degamo killing

5 pang suspek dawit sa Degamo killing

245
0

MANILA, Philippines – Lima pang suspek ang idaragdag ng Department of Justice (DOJ) sa kasong pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Sinabi ni DOJ spokesperson Mico Clavano na ang limang respondents ay nagsilbing mga look-outs, at mga tauhan para ganap na maipatupad ang pagpaslang.

Sinabi ni Clavano na kahit hindi pa naaaresto ang mga suspek ay isasampa na ang kaso laban sa kanila kasama ang itinuturing na mastermind na si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves.

Advertisement

Una nang sinabi ni DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla na tukoy na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Dahik dito, aabot na sa 17 ang mga suspek na kakasuhan kaugnay sa Degamo killing.

Nilinaw ni Clavano na natagalan ang mga awtoridad sa pagsasampa ng kaso dahil kailangan pa kumalap ng dagdag na ebidensya para mapalakas ang kaso. Teresa Tavares

Previous articlePBBM tahimik lang sa isyu ng Speakership
Next article9 Chinese ships namataan sa Pag-asa Island sa pagbisita nina Jinggoy, AFP chief

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here