Home HOME BANNER STORY 5 patay, 3 sugatan sa banggaan ng trak, Innova sa Batangas

5 patay, 3 sugatan sa banggaan ng trak, Innova sa Batangas

MANILA, Philippines – Lima ang nasawi habang tatlo ang sugatan sa banggaan sa pagitan ng isang trak at Innova sa Sto. Tomas, Batangas madaling araw ng Sabado, Disyembre 23.

Ang insidente ay nangyari 2:50 ng madaling araw, ayon kay Sto. Tomas, Batangas police chief Police Lieutenant Colonel Rodel Ban-o sa panayam ng DZBB.

Nanggaling pa umano ng Catarman, Northern Samar ang naturang AUV at patungo sana sa Nueva Ecija, habang patungong Timog ang trak.

Nakatulog ang drayber ng sasakyan habang nagmamaneho, dahilan para salubungin nito ang paparating na trak sa kabilang linya.

Ang lahat ng mga nasawi at nasaktan ay sakay ng AUV. Wala namang nasaktan sa panig ng trak.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa naturang kaso. RNT/JGC

Previous articleMga empleyado sa Northern Mindanao may P33 kada araw na dagdag-sahod
Next articlePBBM nag-imbita sa Simbang Gabi sa Malakanyang