Home IN PHOTOS 5 patay sa banggaan ng SUV vs trak

5 patay sa banggaan ng SUV vs trak

MANILA, Philippines – Patay ang limang sakay ng SUV matapos na makabanggaan ang isang 22-wheeler truck sa Baliwag, Bulacan, madaling araw ng Miyerkoles.

Habang dalawang pasahero ng SUV naman ang sugatan.

Mga larawan kuha ni Jun Mestica

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, bumangga ang SUV sa truck na noon ay nasa kabilang linya ng DRT Highway.

May tatlong foreigners na sakay ang SUV, ayon sa rumespondeng traffic enforcer.

“Ang nasaksihan kaagad namin dito ay ‘yung mga naipit sa sasakyan. ‘Yung driver at mga sakay sa likod, nakarating na sa una. Pero confirmed na patay na po talaga. Bale pito sila [na sakay] sa SUV. E lima ‘yung patay agad,” ani traffic enforcer Michael Bautista.

Nasa kustodiya na ng Baliwag Police ang driver at pahinante ng truck para sa imbestigasyon at para makuhanan na rin ng pahayag. RNT

Previous articlePH Export Dev’t Plan aprub na kay PBBM; Pinas target maging exporting hub
Next articleBahrain magtatayo ng embahada sa Pinas

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here