BEIJING – Kabilang ang limang Pilipino sa 39 crew members na nawawala matapos tumaob ng isang Chinese fishing vessel sa Indian Ocean.
Ipinag-utos ni Chinese President Xi Jinping na gawin ang lahat upang mahanap ang survivors, ayon sa state media nitong Miyerkules.
Tumaob ang distant-water fishing vessel “Lupeng Yuanyu 028”, pagmamay-ari ng Penglai Jinglu Fishery Co Ltd na naka-base sa Shandong province, nitong Martes, ayon sa state-run CCTV.
Ang sakay nitong 39 indibidwal– 17 Chinese crew members, 17 Indonesians at lima mula sa Pilipinas— ay nawawala, anang CCTV.
Ipinagbigay-alam na ng maritime search and rescue center sa ibang bansa ang ukol sa aksidente at nasabihan na ng foreign ministry ang mga misyon nito sa Australia, Sri Lanka, Maldives, Indonesia, Pilipinas at iba pang bansa na makipag-ugnyanan sa search and rescue operations, anito.
Sa kasalukuyan ay wala pang komento ang Department of Foreign Affairs ng Pilipinas ukol dito.RNT/SA