Home NATIONWIDE 5 Pinoy mula Jordan balik-Pinas na; 115 naiwan sa West Bank –...

5 Pinoy mula Jordan balik-Pinas na; 115 naiwan sa West Bank – embahada

MANILA, Philippines- May kabuuang 115 pang Pilipino ang nananatili West Bank matapos dumating sa Pilipinas ang ikalawang batch ng limang repatriates nitong Biyernes, ayon sa Philippine Embassy sa Jordan.

Base sa embahada, binubuo ang pinakabagong batch ng mga Pilipino na umuwi sa bansa ng  dalawang overseas Filipino workers (OFWs) at pamilyang may tatlong miyembro.

Ligtas na nakatawid ang limang Pilipino mula West Bank sa Jordan sa gitna ng umiiral na armed conflict sa pagitan ng Israel at ng Palestinian militant group Hamas.

Binigyan sila ng send-off nina Philippine Ambassador to Jordan Wilfredo Santos at Labor Attaché Armi Evangel Peña sa Queen Alia International Airport sa Amman nitong Huwebes.

Inasistihan naman ng hiwalay na embassy team ang mga Pilipino sa Allenby Border crossing sa Israeli side bago sila makapasok sa Jordan, kung saan binigyan sila ng transit visas.

“The Philippine Embassy in Amman made appropriate representations with the authorities to facilitate their entry from the West Bank to Jordan,” pahayag ng embahada.

Itinaas ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Alert Level 2 sa West Bank kasunod ng “real threats to the life, security, and property of Filipinos” mula sa internal at external threats sa host country.

Subalit, sinabi ng embahada na mayroon pang 115 Filipino na nasa West Bank, kabilang ang siyam na madre, 21 OFWs at 85 resident Filipinos.

“The ongoing conflict between Israel and Hamas in Gaza has led to a corresponding increase in the level of violence in the West Bank and made the five Filipinos, consisting of two OFWs and a family of three, to decide to return to the Philippines,” wika ng embahada. RNT/SA

Previous articleKung maisasakatuparan Marcos trip pledges, US investments sa Pinas papalo sa $763M ngayong 2023
Next articleIlang bahagi ng Quezon binaha!