Home NATIONWIDE 5 Pinoy mula West Bank ligtas na nakatawid sa Jordan – embahada

5 Pinoy mula West Bank ligtas na nakatawid sa Jordan – embahada

MANILA, Philippines- Ligtas na nakatawid ang limang Pilipino mula sa West Bank patungo sa Jordan sa gitna ng sagupaan sa pagitan ng Israel at ng militant group Hamas, ayon sa Philippine Embassy sa Jordan.

“The Philippine Embassy provided transportation to the five Filipinos, who were fetched at their respective residences in the West Bank and brought to the Allenby border crossing on the Israeli side, where they were met and assisted by Amman PE officers and personnel who facilitated their entry to Jordan through the King Hussein bridge crossing,” pahayag ng embahada sa Facebook.

Nakatakdang umuwi sa Pilipinas ang limang Pinoy sa ngayong Huwebes, dagdag nito.

Nakipagkita ang embassy officials, sa pangunguna ni Ambassador Jordan Wilfredo Santos, kay King Hussein Border Authority Head Col. Rafat Al Maietah upang talakayin ang posibleng pagtawid ng iba pang Pilipino mula sa West Bank sakaling umigting pa ang sitwasyon sa lugar.

Dumating ang unang batch ng Filipino repatriates galing sa West Bank sa Pilipinas noong November 9.

Lumala pa ang kaguluhan sa Israeli-occupied West Bank, sa mahigit 15-year high ngayong taon, mula nang sumiklab ang Israel-Hamas war, kung saan mahigit 170 pag-atake sa Palestinians ang naital ng United Nations. RNT/SA

Previous article4 CPA members umapela sa pagkakatukoy bilang terorista
Next articleVP Sara: ICC probe sa Pinas labag sa batas