Home NATIONWIDE 5 Pinoy na nawawala sa Indian Ocean, pinangangambahang patay na

5 Pinoy na nawawala sa Indian Ocean, pinangangambahang patay na

319
0

MANILA, Philippines – Pinangangambahang patay na ang limang Pinoy na manlalayag na kabilang sa 39 na crew member ng Chinese fishing vessel na nawawala sa Indian Ocean.

Ayon kay Philippine Coast Guard spokesperson Rear Adm. Armand Balilo nitong Miyerkules, Mayo 24, walang nakitang anumang senyales ng mga nakaligtas ang multinational search and rescue team, matapos nilang galugarin ang 64,000 kilometro kwadrado ng karagatan.

Dahil dito, nagdesisyon na umano ang Chinese transport ministry na ituring na lamang na patay na ang limang Pinoy, 17 Chinese at 17 Indonesians na sakay ng barko. RNT/JGC

Previous articleChina naglagay ng tatlong palatandaan sa Spratlys
Next articleAma, kapitbahay dinampot sa pananakit at pangmomolestiya sa nene sa Navotas

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here