Home NATIONWIDE 5% premium rate hike tuloy ngayong 2024 – PhilHealth

5% premium rate hike tuloy ngayong 2024 – PhilHealth

MANILA, Philippines – ITUTULOY ng Philippine Health Insurance Corp (PhilHealth) ang plano nito na itaas ang premium rate ng 5% ngayong taon.

Ayon sa PhilHealth, ang kasalukuyang 4%, premium rate ay itataas sa 5% gaya ng naka-mandato sa batas.

Subalit, sinabi ni PhilHealth President and CEO Emmanuel Ledesma Jr. na kung magdesisyon ang Malakanyang na suspendihin ang implementasyon ng contribution hike, handang sumunod ang ahensiya.

Sa ulat, sinabi ng PhilHealth na layon ng pagtataas sa premium rate ay ang magkaroon ng sapat na pondo ang PhilHealth na aabot sa 17-bilyong piso na gagamitin sa pagpapatakbo ng mga programang katulad ng PhilHealth Konsulta at iba pang pangangailangan ng mga magkakasakit na Pilipino gayundin sa polisiya ng Universal Health Care law.

“Nitong nakalipas na linggo, bagamat nasa batas ang pagpapatupad ng premium adjustments, ay minabuti ng PhilHealth na makipag-ugnayan sa ibat-ibang partners at stakeholders upang magkatuwang na ipatupad ang kahuli-hulihang contribution adjustments ayon sa UHC Law, at para siguruhing magtuloy-tuloy ang mga pinagbuting benepisyo ng mga miyembro,” ayon sa ahensiya.

Nagpasalamat din ang PhiHealth sa naging matagumpay na 2023 kung saan nakamit ng ahensya ang ibat-ibang tagumpay lalo na sa pagpapalawig sa bilang ng dialysis appointment na maaring makamit ng mga chronic kidney disease patients na umabot sa 156 session.

Matatandaang, noong nakaraang taon din ay umabot sa 150% ang itinaas ng health packages na maari namang makamit ng mga pasyenteng may sakit na Pnuemonia, Hemorraghic at ischemic risk.

“I would like to thank PhilHealth, for the continuing partnership with the patient advocacy group, we truly appreciate the continuing communication: we have on each other and our partnership yo communicate to members about the benefits of PhilHealth,” ang winika naman ni Philippine Alliance of Patients Organization president Karen Villanueva. Kris Jose

Previous article250 pamilya nawalan ng tirahan sa demolisyon sa Sta. Ana
Next article18 Pinoy crew kabilang sa oil tanker na nabihag sa Oman; DMW nakikipag-ugnayan na