Home NATIONWIDE 5 sangkot sa Salilig hazing case, humiling na makapagpiyansa

5 sangkot sa Salilig hazing case, humiling na makapagpiyansa

432
0

BIÑAN, Laguna- Nagsumite ng petition for bail ang limang sangkot sa John Matthew Salilig hazing case ngayong Miyerkules, ayon sa prosekusyon. 

Naghain ang mga sumusunod ng naturang petisyon sa Biñan Regional Trial Court Branch 155: Daniel Perry alyas Sting, Michael Lambert Ricalde alyas Alcazar, Sandro Victorino alyas Loki, Mark Pedrosa alyas Makoy at Tung Cheng Teng alyas Nike na dumalo sa pamamagitan ng video conferencing.

Gayundin, dumalo sa hearing ang isa sa mga testigo na si Roi Osmond Dela Cruz, ang neophyte na kasama ni Salilig na sumailalim sa welcoming rites noong Pebrero 18. 

Matatandaang namatay si Salilig dahil sa mga tinamong palo. Ibinaon umano ng mga ka-frat ang bangkay niya na natagpuan makalipas ang 10 araw.

Sinabi ni Atty. Victor Dalanao ng prosekusyon na ipinagbawal sa kanila ng korte na ibigay ang detalye ng pagdinig. Subalit, iprinisinta aniya nila si Dela Cruz at ibang ebidensya ngayong araw sa korte.

“Basically naman yung point lang nung petition for bail is sinasabi nung mga limang accused na nagfile ng petition for bail na kulang yung ebidensya namin yung evidence of guilt is not strong. Basically yun yung pino-point out nila, pero kaya naman namin prinesent yung witness namin mismo si Roi kasi siya mismo yung nag-undergo nung initiation,” paglalahad ni Dalanao.

Aniya pa, ibinahagi ni Dela Cruz ang mga pangyayari mula recruitment hanggang sa initiation rites. 

Kasunod ng pagdinig sa direct testimony ni Dela Cruz ay ang cross examination. 

“Medyo kinakabahan ako kanina. Iba yung feeling kanina nung nagwiwitness ako, siyempre yun yung tamang gawin… May trauma pa rin pero walang may kagustuhan nung nangyari pero may dapat kasing managot kaya nandito ako. For now set aside muna by laws ng brotherhood namin. Doon muna ako sa tama sa mata ng batas ng tao at saka ng Diyos,” ani Dela Cruz.

Samantala, dumalo rin sa pagdinig si John Michael, kapatid ni Salilig.

 “The witness statement is very clear, and is very strong, also the evidence is very strong. Sa mga at large pa, hopefully, you make up your minds na huwag na natin patagalin ganun din naman din eh mapapahirapan lang po natin sarili natin and of course you put yourself in danger din,” giit ni John Michael.

Itinakda sa Hunyo 7 ang susunod na bail hearing. Samantala, sa Hunyo 28 ay gugulong ang main trial ng pitong akusado. RNT/SA

Previous article‘Electric vehicle roadmap’ pinaplantsa ng DOTr
Next articleDOH: 6.9M chikiting, nabakunan kontra tigdas, rubella, polio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here