Home HOME BANNER STORY 5 suspected NPAs, 1 pulis patay sa sagupaan sa Bohol

5 suspected NPAs, 1 pulis patay sa sagupaan sa Bohol

MANILA, Philippines – Patay ang limang hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) at isang pulis sa engkwentro sa Pilar, Bohol nitong Biyernes ng umaga, Pebrero 23 ayon sa Philippine Army.

Ibinahagi ni Army public affairs office chief Colonel Louie Dema-ala na isa sa mga nasawi sa kampo ng mga rebelde ay isang lider, at kinilalang si alyas Ompoc.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi ng Armed Forces Visayas Command (Viscom) na si Domingo Jaspe Compoc o Silong ay top leader ng NPA sa Bohol.

“…Domingo Compoc who has a bounty of 2.6 million is wanted for several cases including rebellion, homicide, attempted homicide, multiple murder, frustrated murder, and robbery.”

Sugatan naman sa bakbakan ang isa pang miyembro ng Philippine National Police (PNP).

Nagsimula ang sagupaan sa pagitan ng Bohol Police Provincial Office at 47th Infantry Battalion laban sa Bohol Party Committee ng NPA bandang 6:52 ng umaga.

Hanggang sa ngayon ay nagkakaroon pa rin ng putukan.

Narekober sa encounter site ang anim na armas kabilang ang M653 assault rifle, R4 assault rifle, M16 rifle, at tatlong caliber .45 pistols. RNT/JGC

Previous articleP1 rollback sa presyo ng diesel, kerosene nakaumang
Next articleWanted na Indonesian nat’l naaresto ng BI