Home METRO 5 terorista sumuko sa pulisya

5 terorista sumuko sa pulisya

CAMP LT. ROSAURO TODA JR., ILAGAN CITY, Isabela – Puspusan ang mas pina-igting na kampanya na pinamumunuan ni PCol. Lee Allen Bauding, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO para sa tuluyang pagdeklara na “Insurgency Free” ang probinsya ay muling nakapuntos ng limang (5) panibagong  Comunist terorist Group o CTG supporter na sumuko sa pulisya.

Sa ipinarating na ulat ni PCol. Bauding kay PBGen. Christopher Birung, Regional Director ng Police Regional Office 02 o PR02, ang limang sumuko ay sina a.k.a. Jetro, 28 taong gulang, dating regular na myembro ng New Peoples Army o NPA, at mga dating Militiang Bayan na sina a.k.a. Ronald, 38 taong gulang, a.k. Andy, 32 taong gulang, a.k.a. Tom, 54 taong gulang, at a.k.a Dennis 36 taong gulang pawang residente Ng San Mariano Isabela ay boluntaryong isinuko ang mga sarili kasama ang Isang (1) Unit ng Cal .38 sa mga otoridad para sa kanilang kapanatagang makapamuhay ng normal at matamasa ng kani-kanilang pamilya  ang mga  programa ng lehitimong gobyerno.

Ang bulontaryong pagsuko ay bunga ng matagumpay na pakipag-ugnayan sa pinagsanib na pwersa ng nagmula sa 1st Isabela Provincial Mobile Force Company, PIU IPPO, San Mariano MPS, CIDG Isabela PFU, 201st Coy RMFB2, at RIU2 , at sa mas pina-igting na kolaborasyon sa 86IB, 95IB at 502nd BDE, PA.

Ang patuloy na pagsuko ng mga dating rebelde o supporters ng makakaliwang grupo ay umaayon sa epektibong mga Best Practices ng IPPO katulad ng Project SUBLI (Sarili moy Uusad Biyayang pangkabuhayan Laan aming Igagawad), Project SAGIP (Sustaining our Advocacy to Grind Insurgency in the Province) , at sa tulong na rin ng mga naunang sumuko na naging ehemplo ng kalayaan, kaginhawaan, kaunlaran at kapayapaan.

Samantala, nakatakdang ideklarang “Insurgency Free” sa darating na buwang ang lalawigan ng Isabela dahil sa patuloy na pagbabalik loob ng mga dating rebelde. Rey Velasco

Previous article44 distrito pinuri ni Zubiri sa ‘di paglahok sa PI signature drive
Next articlePH economy sumampa sa 6.0% noong Q3 2023