Home METRO 5 tiklo sa P700K shabu, baril sa Cavite

5 tiklo sa P700K shabu, baril sa Cavite

MANILA, Philippines – Arestado ang limang hinihinalang tulak ng illegal na droga sa mga operasyon nitong Martes, Hunyo 18 at Miyerkules, Hunyo 19.

Sa ulat ng Police Region 4A, naaresto ng pulisya ang dalawang tulak na sina “Felipe” at “Melanie” bandang 2:50 ng umaga ng Miyerkules, matapos itong makapagbenta ng P1,000 halaga ng shabu sa undercover pulis sa Barangay Sta. Cristina 1 sa DasmariƱas City.

Nakuha mula sa mga suspek ang 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P340,000.

Naaresto rin ng mga operatiba ang dalawang suspek na sina “Tiririt” at “Bernardo” sa Barangay San Francisco 1 bandang 10:50 ng gabi ng Martes.

Nakuhanan ang mga ito ng apat na sachet ng shabu na tumitimbang ng 27.80 grams at may halagang P189,000.

Samantala, sa General Mariano Alvarez ay naaresto ng pulisya si “Donn” sa operasyon 1:30 ng umaga ng Miyerkules sa Poblacion 1.

Nakumpiska naman mula rito ang anim na sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P170,000, hindi dokumentadong .9mm pistol, dalawang magasin at pitong bala.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang lahat ng naarestong suspek at mahaharap sa reklamong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Si Donn ay sasampahan din ng reklamong illegal possession of firearm. RNT/JGC