MANILA, Philippines- Isinusulong ni Cagayan De Oro City Rep. Rufus Rodriguez na pahabain at magkaroon ng limang taong termino ang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) sa hangarin na matiyak na naipagpapatuloy ang mahahalagang programa.
Layon ngHouse Bill 7123 na inihain ni Rodriguez na maamyendahan ang Section 43 ng Local Government Code kung saan nagtatakda na 3 taon lamang ang termino ng Barangay at SK officials at 3 consecutive term limit o kabuuang 9 na taon, sa panukala ng solon ay magiging kabuuang 15 taon na.
“Additional term would ensure more stability in the barangay level and ensure that the programs initiated by the current leaders would come to fruition,” paliwanag ni Rodriguez na syang Chairman ng House Committee on Constitutional Amendments.
“It is not enough to ensure that the programs of the barangay are carried out properly, especially considering the fact that the last year of the term is basically used for campaigning,” giit pa nito.
Naniniwala din si Rodriguez na ang mas kakaunting eleksyon ay makatutulong para maiwasan ang pagkawatak-watak na karaniwang nangyayari dulot ng eleksyon.
“It is common knowledge that elections, whether national, local or barangay, prove to be divisive among the populace. Candidates and their supporters try to destroy their opponents by using any means necessary just to be able to secure victory,” pagtatapos pa ni Rodriguez. Gail Mendoza