Home METRO 50-anyos kalaboso sa panggagahasa ng dalagita

50-anyos kalaboso sa panggagahasa ng dalagita

MANILA, Philippines – MALAMANG na mabulok sa kulungan ang isang 50 anyos na lalaki makaraang dumulog ang tumatayong magulang ng isang 12-anyos na menor de edad sa tanggapan ng Manila Police District – Baseco Police Station 13, dahil sa ginawa nitong panggagahasa sa loob ng bahay ng una sa Baseco Compound Port Area, Manila, iniulat ng pulisya.

Kinilala ang suspek na si Bobby Arellana, binata, helper at residente ng naturang lugar.

Batay sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Emmanuel Gomez, Station Commander, bandang hapon nang magtungo sa kanyang tanggapan ang guardian ng biktimang itinago sa pangalang “Lily,” out of school youth, residente ng Tondo, Manila, upang magpasaklolo sa sinapit ng kanyang pinsan.

Dahil dito, agad na umaksyon si Lt.Col. Gomez at inutos nito kay Police Captain Mel Soniega, hepe ng Station Investigation Division Manegement Branch (SIDMB) at agad na tinungo ang bahay ng suspek at saka ito inaresto.

Ayon sa salaysay ng biktima, bandang 6:00 ng umaga, nang ibugaw umano ito ng isang alyas “Ate Beth” na nagdala sa biktima sa bahay ng suspek.

Ginawan ito ng kahalayan at nang makaraos ay sinabihan ito na magbibigay ng tulong-pinansyal para sa pamilya nito.

Nabatid pa na nagawang sampalin ng cellular phone ang menor de edad, nang hindi umano nito payagang makauwi pero nagawa pa nitong makatakas at magsumbong sa kanyang pinsan.

Sa follow-up operation ng pulisya, natimbog ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 11648 (Statutory Rape) in relation to R.A 7610 ang naturang suspek. Rene Crisostomo

Previous articleKanseladong flight ngayong Linggo, Enero 28, 2024
Next articleEarly Childhood Education, gagawing de-kalidad ng solon