Home NATIONWIDE 50% discount sa OFWs alok sa OWWA point-to-point express bus

50% discount sa OFWs alok sa OWWA point-to-point express bus

MANILA, Philippines – Dahil sa mga pampasaherong sasakyan na sobra-sobrang maningil sa mga balikbayang Overseas Filipino Workers ( OFWs) na nagiging viral pa sa social media, naglunsad ngayong araw ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at partner na UBE Express Inc. ng 50 percent discount sa OFWs na dumarating galing sa ibang bansa.

Ang UBE Express buses ay nakaterminal sa harap mismo ng departure area ng Ninoy Aquino International Airport ( NAIA).

Ipinaliwanag ni OWWA Administrator Arnel Ignacio na ang mga OFW members ng OWWA ay makakatipid ng pamasahe na hanggang 50 porsyento sa kanilang sasakyang UBE Express buses mula NAIA hanggang sa mga terminals na malapit sa kanilang uuwian.

Aniya mula P25 hanggang P150 ang matitipid ng mga OFWs sa panibagong programa na ito ng OWWA sa pakikipagtulungan ng point to point bus company.

Aniya, pwedeng maka-avail ng diskwento ang OFWs sa pamamagitan ng pagbabayad ng cash basis, beep card at online payment.

Magdedeploy din ang UBE Express Inc. ng Passenger Services Agents sa mga point to point terminals upang ma-assist ang mga OFWs. Dave Baluyot

Previous articleDICT sa publiko: Pag-post ng ‘at the moment’ photos sa socmed iwasan vs kawatan
Next articleP585B hihiramin ng gobyerno sa local creditors sa Q2