Home METRO 50 pamilya apektado ng sunog sa Tondo

50 pamilya apektado ng sunog sa Tondo

MANILA, Philippines – Sumiklab na naman ang isang sunog sa residential area sa Tondo, Manila nitong Linggo, Marso 24.

Sa ulat, nangyari ang sunog sa residential area sa Capulong Road 10, kung saan naapektuhan dito ang 50 pamilya.

Ayon kay Bureau of Fire Protection Station 1 Commander Ronald Lim, humigit-kumulang 30 istruktura ang napinsala sa estimated damage na P750,000.

Walang nasawi sa insidente bagamat mayroong isang residente ang nahirapang huminga.

“[C]hallenge po maliit po yung eskinita natin sa loob pero sa pagtutulungan po ng Bureau of Fire at ng mga volunteers, napasok po agad natin yung loob – na-contain agad yung fire,” ani Lim sa panayam ng ABSCBN News.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog at idineklarang fire out pagsapit ng 9:26 ng gabi. RNT/JGC

Previous articleMas mainit na panahon, asahan ngayong Semana Santa – PAGASA
Next articlePCG nakapagtala na ng higit 40K pasahero sa mga pantalan